Okay lang 'yan, James Blake, okay lang



Oo, napatalsik na naman kami. Third round pa lang 'yon sa Indian Wells. Masakit pero nangyari na ang nangyari. Yun nga lang minsan, parang game! tapos makikita mo na lang, unti-unti, parang manghihina na ulit. Alam naman ng lahat na si Santiago ang isa sa mga bihirang manlalaro na may kakayahang sipain si Federer in two sets of three. Pero kasing hirap ko lang 'yata magsulat sa Tagalog, ganong kadali matalo ng mga unheard-of players ang bet ko.

Bakit ganon? Inconsistency, pare.

Kung babagkasin ang kasaysayan, 'di pala nag-iisa si James, pati ang mga naging paborito kong atleta inconsistent din tulad ni Peja at Hantuchova. Para bang one shot deal. Mapapahanga ka at mapapanganga for a period of time, tapos gano'n na lang. Talento at lakas? Meron. Follow through? Wala.

Ganito ka rin James. The fact na sinusuportahan kita kahit ano'ng mangyari ay nagsasabi din ng maraming bagay tungkol sa'kin. Lalo na ngayon na wala ka na sa top 10, na 'di ka makapanalo ng five-set matches, na nakukuntento ka lang sa pagpapahanga ng audience sa bilis at talsik ng bolang tinatamaan mo, na kapag mahirap 'yon bang na akala mo wala ka nang mabubuga dahil halos limitado na ang nalalabi mong araw sa laro.

James, hindi 'yan nasusukat sa awesomeness o sa angas o sa experience. Feeling mo ba ayos lang na itapon ang laro kapag umaabante na ang kalaban? Dahil ba magte-trenta ka na at sa larangan ng tennis ay 100 years old ka na? Hindi, James. Kaya mo pa eh, obvious naman. Konting inspirasyon lang siguro (para sa fans lang ba) o mahigpit na coaching (at coaxing). Dudepare, consistency lang 'yan.

Madaling magsalita dahil nanonood lang ako. Ang nakakagulat dito ay ...
ikaw at ako, Blake, pareho. #

--
photo credit: tennischick.net
Kudos for the Blake commentary!

Share:

0 comments